jump to navigation

Pandaigdigang Taon ng Astronomiya (Pakitâ) Enero 18, 2009

Posted by ronipe in Uncategorized.
Tags: , , , ,
add a comment

Ngayong taong 2009 ay ang taong itinakda ng UNESCO bilang Pandaigdigang Taon ng Astromiya. Nilalayon nitong “dalhin ang kalawakan” dito sa lupa. Nais rin nilang mapa-igting ang papel na ginagampanan ng agham-tala/astronomiya at iba pang mga agham sa mga papaunlad na bansa gaya ng Pilipinas. Nais rin nilang makahikayat ng marami pang mga bata na mahilig sa iba’t ibang larangan ng agham.

Samahan niyo ko, ang UP Astronomical Society, at ang buong Pilipinas sa pakikilahok sa pandaigdigang pagdiriwan na ito!

Online Shopping Enero 10, 2009

Posted by ronipe in Ang Wika Ko.
Tags: , , , , , , , , , ,
add a comment

Kaninang umaga, nalaman ko na may Apple Online Store na pala para sa img_24411_ipod_shuffle_greenPilipinas. Dali-dali kong dinalaw na puno ng excitement, kaso nang matunton ko iyon ay nadismaya ako. Parang sipi (kopya) lamang ito ng sa Amerika at pinalitan ang halaga ng mga bagay.

Hindi ko alam kung ano ang inaasahan ko. Kapag sinisilip ko kasi ang Apple Online Store ng Fransya, naka-franses ito; ang sa Espanya naman ay naka-espanyol; at ang sa Hapon ay naka-Hapon. Nang matunton ko ang sa Pilipinas, naka-inggles. Tapos bigla kong naalala, business language nga pala natin ang inggles, at kapag ang Finilipino ito ay baka gawing katawa-tawa ng mga tao.

Nasanay na marahil ako na ang mga bansang gaya ng Fransya at Espanya, na ang mga wika ay pinag-aaralan ko, na kapag may ginawa para sa kanila ay ang sarili nilang wika ang ginagamit. Parang nawari ko na ang pathetic talaga nating mga Pilipino, hindi man lang kayang gamitin at ipagtanggol ang sarili nating wika.

Napakarami pa nating dapat gawin para mai-ahon ang mga sarili natin mula sa putikang kung saan bukas-loob nating nilulunod ang ating mga sarili.

Pandaigdigang Taon ng Astronomiya Disyembre 31, 2008

Posted by ronipe in Uncategorized.
Tags: , , , ,
add a comment

 

 

Anong meron sa darating na 2009?

Ang darating na taon ay ang ika-400 na taon mula nang itinutok niya sa kalangitan ang kaniyang teleskopiyo. At biglang pagbibigay pugay rito, itinakda ang taong ito bilang Pandaigdigang Taon ng Astronomiya.

Manigong Bagong Taon! Mahiwagang Pandaigdigang Taon ng Astronomiya!

Ang Pandaigdigang Taon ng Astronomiya 2009 ay isang pandaigdigang pagsisikap na pinasimunuan ng International Astronomical Union (Pandaigdigang Samahan ng Aghamtalâ) at ng UNESCO upang tulungan ang bawat mamamayan ng buong daigdig na muling tuklasin ang kanilang kinalalagyan sa Kalawakan sa pamamagitan ng kalangitan ng araw at ng gabi, na magbibigay ng personal na katuturan ng pagkamanghâ at pagkatuklas sa bawat isa sa atin.

Mga Papalabas na Kawing:
http://www.astronomy2009.ph

“Dayo” 5/5 Disyembre 31, 2008

Posted by ronipe in Film Review.
Tags: , , , , , , , ,
4 comments

Ano nga ba ang silbi ng mga pelikula? Para sa akin, ito ay isang uri ng pagkukwento gamit ang kung ano-anong teknolohiya na mayroon sa kasalukuyan. At bilang isang kuwento, kailangan ay may malibang ito. Hindi nagkulang ang pelikulang “Dayo” dito.

Bagama’t hindi na ako isang musmos na bata, nanonood pa rin ako ng mga pelikulang gawa gamit ang mga gumagalaw na guhit. Lubos na ibig ko talagang panoorin ang pelikulang “Dayo,” ngunit sa una’y may kaunting alinlangan dahal baka masyado itong pambatâ. Nagkamali ako. Nakalilibang rin ito para sa mga matatandâ.

Walang eksenang masyadong matagal o mabagal (hmm… Baler… hm… hehe) para ang manonood ay mabagot. Maganda, malinis, at tuluy-tuloy ang takbo ng istorya. Sa pakita nang pelikula na napanood ko sa YouTube noon, medyo nalungkot ako dahil ang konyo ng ibang script ng isang tauhan, ngunit habang pinapanood ko ang pelikula, natuwâ ako dahil nakakatawa siyang elemento, kahit na isang malungkot na pagsalamin sa kalinangan natin.

Nakakamangha rin ang mga nagsipagsikap na gumuhit para sa pelikula. Kuhang-kuha nila ang pagka-Pilipino ng karaniwang nayon sa Pilipinas. Ang mga maliliit na detalye ay hindi nila pinalampas, gaya ng paglalagay ng paskil ng “Ang Huling Hapunan” sa dingding sa lugar kung saan tayo kumakain, at kung ano-ano pa. Pati ‘yung mga kapitbahay, naririyan halos lahat ng makikitâ mo sa labas niyo kung ikaw ay nasa pangkaraniwang pamayanan lamang sa ‘Pinas.

Pagdating naman sa pagpapagalaw ng mga guhit, may naging problema na gaya ng sa “Urduja.” Masyadong madulas ang ibang mga eksena habang ang iba naman ay magaspang, ngunit sa pangkabuuan, napakasandali lamang ng mga ganito sa “Dayo” at higit na maganda ang pagpapagalaw sa kabuuan. Maganda rin ang mga kulay, hindi masyadong matingkad, hindi masyadong nakakaantok.

Isa sa mga bagay na kinaaliwan ko ay ‘yung mga tunog at lapat-himig (soundtrack). Napaigting pa lalo ng paggamit ng surround sound ng pelikula ang kagandahan ng lapat-himig at ng ilan pang mga tunog na maririnig sa pelikula. Huling nakarinig ako ng malawak na paglapat ng himig sa isang pelikulang Pilipino ay iyong sa “Resiklo” na kalahok sa nakaraang Metro Manila Film Festival. Nanghihimasok rin sa tainga ang awit ng pelikula na “Lipad” na itinanghal ni Bb. Lea Salonga at ‘yung isa pang bersyon na itinanghal naman ng Roots of Nature.

Sa kabuuan, sulit at magandang panoorin ang pelikulang ito. Nakatutuwâ na marinig na tumatawa yaong mga bata na nasa likod namin habang nanonood, pati na rin ang kanilang mga magulang. Isa siyang pelikula na kabibighanian ng buong pamilya.

Teknolohiyang 3G, Ano nga ba talaga ‘to? Oktubre 20, 2008

Posted by ronipe in teknolohiya.
Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,
2 comments

Noong nagsisimula pa lamang ang mga kumpanya ng telekomunikasyon sa pagpapatalastas ng mga serbisyong 3G, ang kadalasan na ipinapakita ay ang pagbi-video call, at hanggang ngayon, kapag sinabing 3G, ang natatanging pumapasok sa isipan ng karaniwang tao ay ang pagbi-video calls. Iyon lang ang alam nilang kayang gawin ng 3G. Ngunit sa totoo ay hindi lang iyon.

Una muna, ano ba ang ibig sabihin ng 3G? Ang 3G ay ang pinaikling tawag para sa 3rd generation (ikatlong salinlahi). Ito ay ang ikatlong salinlahi ng teknolohiyang pangtelekomunikasyon. Ano yung mga nauna?

  • 0G (0S) – yung ginagamit ng mga walkie talkie
  • 1G (1S – Unang Salinlahi) – ito ay yung teknolohiyang analog na ginagamit noon nung malalaking mga teleponong selyular
  • 2G (2S – Ikalawang Salinlahi) – ito na yung nagkaroon na ng kakayahang makapag-MaMe (Maikling Mensahe, teks, etc.) ang mga teleponong selyular. Ito ang pinakasikat at pinakaginagamit ng mga tao sa Pilipinas ngayon.
  • 2.5G (2.5S – Ikalawa’t Kalahating Salinlahi) – kilala rin bilang GPRS. Ito ay ang nagbigay kakayahan sa mga teleponong selyular na maka-ugnay sa internet. Dito sa Pilipinas, ang ipinapangakong bilis ng mga kumpanya ng telekomunikasyon ay humigit kumulang 48kbps (48 libong bytes bawat segundo)
  • 2.75G (2.75S – Ikalawa’t Tatlong-kapat na Salinlahi) – kilala rin bilang EDGE. Nagbibigay kakayahan na maka-ugnay sa internet ng higit sa bilis ng GPRS

Ngayon naman ay tumungo na tayo sa 3S. Ang pinakasikat, o ang natatanging alam na kayang gawing ng 3S ayon sa nakararami, ay ang pag-video call. Ngunit ang dahilan kaya niya ito nagagawa ay dahil ang 3S ang nagbibigay kakayahan sa isang teleponong selyular na umugnay sa internet na may bilis na hanggang 384 kbps (384 libong bytes bawat segundo).

Sa kadahilanang ito, maaari kang makapaglibot libot sa internet gamit ang iyong tugbit (ginawa kong salin sa Filipino ng teleponong selyular, at ito na ang gagamitin ko bilang ang haba itipa ng “teleponong selyular”) sa bilis na maaaring ihambing sa pangkaraniwang DSL sa bahay, depende sa lakas ng kasagapan ng 3G sa inyo, o kung may masasagap nga ba.

Kung ayaw mo naman na sa iyong tugbit maglibot-libot sa internet ay maaari mong i-ugnay ang iyong tugbit sa iyong kompyuter bilang modem nang sa gayon ay sa iyong kompyuter ka makapag-internet.

 

Karagdagan:

May mga update nang nagawa sa 3S sa kasalukuyan. Ang

  • HSDPA (Highspeed Downlink Packet Access) – higit na nagpapataas sa bilis na kayang abuting ng 3S kapag nagda-download. Maaring umabot ang bilis sa 1.4Mbps (1.4 milyong/140 laksang bytes bawat segundo), 3.6Mbps, o kaya nama’y 7.2Mbps, depende sa network. Kilala rin bilang 3.5S (Ikatlo’t kalahating Salinlahi). Lahat ng mga network sa Pilipinas sa kasalukuyan ay nakakapag-alok ng HSDPA na hanggang 1.4Mbps
  • HSUPA (Highspeed Uplink Packet Access) – higit na nagpapataas sa bilis ng kayang abutin ng paglululan o pag-a-upload sa internet. Kilala rin bilang 3.75S (Ikatlo’t tatlong-kapat na Salinlahi). Wala pa nito sa Pilipinas sa kasalukuyan.

Mga Magkakatumbas na Salawikaing Filipino at Franses Oktubre 4, 2008

Posted by ronipe in Ang Wika Ko, Uncategorized.
Tags: , , , , , , , ,
1 comment so far

Ang mga sumusunod ay ilang mga salawikaing Filipino/Tagalog na may katumbas sa wikang Franses. Mahahati sa dalawang hanay ang mga salawikain — sa kaliwa ay matatagpuan ang mga salawikaing Filipino/Tagalog at sa kanan naman ang katumbas nito sa wikang Franses. Sa ilalim ng bawat salawikaing Franses ay may tuwid na salin na nakasulat sa mga titik na pailing. Kapag ang isang salawikaing Franses ay walang sulat na pailing sa ibaba nito, ibig sabihin ay kung ano yung katumbas nito sa Filipino ay siya na ring tuwid na salin nito.

Proverbes philippins et français qui sont équivalents

Les suivants sont quelques proverbes Philippins/Tagalogs qui ont des équivalents français. La liste est divisée en deux; à gauche sont les proverbes philippins est à droite sont ceux du français. Les proverbes philippins ont une traduction littérale après eux, en italique. S’il un n’en a pas, ça veut dire que c’est le même en français.

Filipino

Franses

 

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.

Qui ne regarde d’où il vient n’arrivera jamais à destination.

 

Kung anong puno ay siya rin bunga.

L’arbre est même le fruit.

Tel père, tel fils.

Siyang ama, siyang anak.

 

Kung nasaan ang asukal, naroon ang langgam.

Où le sucre se trouve, la fourmi est là.

Il n’y a pas de fumée sans feu.

Walang usok kung walang apoy.

 

Mata sa mata, ngipin sa ngipin.

Oeil pour oeil, dent pour dent.

 

Hindi marunong magsinungaling ang mga bata.

Les enfants ne savent pas mentir.

La vérité sort de la bouche des enfants.

Ang katotohanan ay lumalabas sa bibig ng mga bata.

 

Ang pili ng pili, natatapat sa bungi.

(Je peux pas le traduire pour le moment.)

 

Il vaut mieux tenir que courir.

Higit na mainam ang hawakan kaysa sa pagtakbo (sa paghahanap).

Hindi lahat ng kumikinang ay ginto.

Tout ce qui brille n’est pas or.

 

May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.

La terre a des oreilles, la nouvelle ont des ailes.

Les murs ont des oreilles.

Ang mga dingding ay may mga tainga.

 

Pagkahaba-haba man daw ng prosisyon, sa simbahan din ang tuloy.

Tel longueur de la procession, c’est à l’église où elle aboutit.

Tous les chemins mènent à Rome.

Lahat ng mga daan ay patungo sa Roma.

 

Ang ganda ay pagkain ng mata at kalungkutan ng kaluluwa.

La beauté sur les yeux, la tristesse sur le coeur.

Miel sur la bouche, fiel sur le coeur.

Pulo sa bibig, lason sa puso.

 

Ang maagang naghahasik, maaga ring nagliligpit.

(Je peux pas le traduire en ce moment.)

 

Rira bien qui rira le dernier.

Humalakhak ng mas mabuti ang hulik hahalakhak.

 

Ang natutulog na hipon ay nadadala ng agos.

Crevette grise qui dort suit l’écoulement.

Pierre qui roule n’amasse pas mousse.

Ang batong gumugulong ay hindi nakakaipon ng lumot.

 

Iyong turan ang kasama mo at sasabihin ko kung ikaw ay sino.

 

Dis-moi qui tu fréquentes, je te dirais qui tu es.

 

Bago mo sabihin, makapito mong isipin.

Avant de le dire, pense de cela sept fois.

Il faut tourner la langue sept fois dans sa bouche avant de parler.

Kailangang paikut-ikot muna ang dila ng pitong pagkakataon sa bibig bago magsalita.

 

Alin mang baitang ng tagumpay ay may kasawiang palad na natamo sa pakikipaglaban sa buhay.

Dans n’importe quel niveau de succès, il y avait des malchances expérimentés dans la lutte dans la vie.

Qui ne risque rien n’a rien.

Ang siyang hindi magbakasakali ay walang pag-aari.

 

Ang handog ng isang nasa kamay na, higit sa ipinangakong dalawa.

Un cadeau en main vaut mieux que deux qui sont promis.

Un « tiens » vaut mieux que deux « tu l’auras ».

Ang isang « hawak na » ay higit na mainang kaysa dalawang « magkakaroon ka ».

 

Paliguan man ang kambing, ‘di mawawala anghit na angkin.

Même qu’on baigne la chèvre, il ne perdrait son odeur nauséabonde.

 

Chasser le naturel, il revient au galop.

Itaboy mo kung ano ang likas at babalikan ka nito ng tumatakbo.

 

Kung wala sa titig, wala pa rin sa isip.

On le voit pas, on lui pense pas.

Loin des yeux, loin du coeur.

Malayo sa mga mata, malayo sa puso.

 

University at College, Tinagalog/Finilipino Setyembre 25, 2008

Posted by ronipe in Ang Wika Ko.
Tags: , , , , , ,
2 comments

Ako, sa kasalukuyan, ay nagsasalin ng aking dahong pangwakas (final paper?) na kailangang iharap bukas sa aming guro. Isa sa mga nakasalumuha kong mga salita ay ang college. Ang university ay matagal ko nang kilala bilang “pamantasan,” ngunit ang college ay matagal ko nang pinagninilayan. Hindi ko nais na gamitin ang salitang “kolehiyo” dahil pangit ito sa pandinig, kaya’t binuklat ko ang aking talahulugang Inggles-Tagalog at hinanap ang salitang college, sa pag-asang may matinong katumbas, o salin na ito sa aking wika.

Laking gulat ko ng natagpuan ko ang katumbas na “dalubhasaan” at sa sa loob ng mga panaklong ay may nasulat na new term. Natutuwa lang ako ay mayroon na tayong matinong salin para sa salitang college.

 

university – pamantasan

college – dalubhasaan

Mga Pagpapangalang Pang-sipnayan (matematika) sa Filipino Setyembre 14, 2008

Posted by ronipe in Ang Wika Ko.
Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,
2 comments

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga pagpapangalang (terminolohiya) pang-sipnayan (pang-matematika) sa ating wikang pambansa.

  • math – sipnayan
  • mathematician – sipnayanon
  • arithmetic – palatuusan
  • radical – pangugat
  • exponential function – pangunahing kabisa
  • square root – pariugat
  • cube root – taluugat
  • square – parirami
  • cube – talurami
  • differential – tingirin
  • involution – balisultag
  • tangent – dikit
  • plane figure – lapyang laraw
  • probability – kalagmitan
  • permutation – pamalitan
  • factorial – bunin
  • infinity – awanggan
  • imaginary number – guning bilang
Ayan. :D

Mga Liwasang WiFi sa UP Diliman Setyembre 12, 2008

Posted by ronipe in teknolohiya.
Tags: , , , , , , , , , , ,
4 comments

Mga Liwasang WiFi sa UP Diliman

 

Para sa mga mag-aaral ng UP Diliman na may mga tugbit (cellphone… hehe) at laptop na kayang umugnay sa WiFi, narito ang ilang mga liwasang WiFi na matatagpuan sa ating mahal na paaralan. Kung may mga mali o nais kayong idagdag, pakisabi lamang. :P

 

  • UP Main Library (Punong Aklatan ng UP)

  • UP School of Economics

  • Aklatan ng Kolehiyo ng Inhinyero

    UP College of Mass Communications (Kolehiyo ng Malawakang Pakikipag-ugnayan)

    CHK Library (Aklatan ng CHK [Dalubhasaan ng Kinetiks Pantao {hala? hehe}])

 

Hmm… Sa kasalukuyan ay hindi ko maalala ang iba. Haha. Pakisabi na lang ang mga maaaring idagdag sa talaang ito. :P

Pandaigdigang Baybayin ng Pagpapatunog at Talahulugang Inggles-Tagalog Setyembre 11, 2008

Posted by ronipe in Ang Wika Ko, PBP.
Tags: , , , ,
add a comment

Kahapon, habang nagsasaliksik ng mga bagay-bagay, ay may natuklasang akong bagong pook sa internet. Ito ay ang Gabby’s Dictionary, isang talahugan ng dalawang wika, Inggles patungo sa Filipino (ahem). Noong ako pa may naghahanap ng ganitong uri ng talahulugan sa mga pamilihan ng aklat ay nakita ko na ang talahulugang ito, ngunit iba ang binili ‘ko. hehe.

Isa lang ang nais kong unang pagandahin sa talahulugang ito — ang pagkakaroon ng pagkakakilala sa at paggamit ng IPA, o angInternational Phonetic Alphabet (Pandaigdigang Baybaying Pantunog sa Pagpapatunog – hindi ito ang opisyal na salin nito [hindi ko alam kung meron], ngunit ito na ang pinakamaayos na aking magawa sa ngayon).

Sa pag-aaral at paggamit ng isang wika ay hindi sapat na gamitin mong tulong sa pagbasa ang pagbaybay ng mga banyagang salita sa katutubong wika ng isang lupon ng mga mananalita dahil may mga tunog na walang katumbas sa isang wika.

Ito ang kadahilanan kung bakit, sa aking palagay, ay higit na mainan na gamitin ang PBP, o Pandaigdigang Baybaying Pantunog, dahil ang bawat titik dito ay sumasagisag sa isang tunog. Oo, bahagyang nakakalula na alamin ang mga ito sa simula, ngunit hindi naman kinakailangang maglaan ka ng panahon sa pagsasaulo ng mga ito. Sa paggamit mo ng talahulugan ay magkakaroon ng likas na pamamaraan ng pagkaukit ng mga titik na ito sa iyong isipan. Ang pagkilala sa ilang mga banyagang salita at pagtingin sa baybay pantunog nito kahit na alam mo na kung paano ito basahin ay makakatulong sa dahan-dahang pagkatuto ng PBP. Ang pagkatuto ng PBP ay magbibigay daan sa pagkakaroon ng higit na magandang pagbigkas ng mga salita.

Ang pook nga pala kung nasaan ang talahulugang ito ay matatagpuan sa www.gabbydictionary.com