Pagsasalin at Pagsulat sa WordPress Agosto 11, 2008
Posted by ronipe in Ang Wika Ko.Tags: english, pilipino, pinoy, salin, tagalog
trackback
Sa kasalukuyan, kahit pa sabihin nating magagaling mag-Ingles ang mga Pilipino, ang katotohanan ay marami pa ring hirap sa wikang ito. Ang pagiging maka-Ingles ng bansa natin ay tahasang pagtanggal sa karapatan ng mga mamamayang ito na magkaroon ng access sa mga kaalaman na dapat ay mayroon sila. Bilang isang mamamayan na nais tumulong sa mga taong ito, nais kong gawing kaintindi-intindi para sa kanila ang mga bagay na ayaw ipaintindi sa kanila.
Sisimulan ko ang adhikaing ito dito muna sa WordPress. Ang mga kaalamang aking makakalap ay isusulat ko sa wikang Tagalog na naiintindihan ng nakararami. Alam ko na marami pang ibang mga wika sa buong Pilipinas, ngunit ito ang kasalukuyang pinag-aaralan sa kalakhang bansa. Susubukin ko ring tumulong sa iba pang mga Pilipino na nagpupunyaging isalin ng mahusay ang website na ito sa sarili naming dila upang mas higit na maintindihan ng mas nakararaming Pilipino na unti-unit nang nagkakaroon ng access sa internet.
Ang nasabing pagsasalin ay nasimulan ko kaning umaga, at aaminin ko, hindi ito madali. Kahit ako ma’y hindi pa rin sanay makakita ng mga terminolohiyang pang-internet na nakasulat sa wikang Tagalog, ngunit sisikapin ko, kasama ng iba pang mga Pilipino, na gawing likas sa pandinig ng mga Pinoy ang mga salin na aming magagawa.
Bakit hindi mo gamitin ang “Filipino” sa kapuwa “wika” at “tao” o kaya’y bilang “konsepto” ng kabansaan natin? Tapos na ang panahon ng “Pilipino,” at narito na tayo sa bagong siglo.
Nananatili lamang ang “Pilipino” dahil sa mga teksbuk na laganap magpahangga ngayon.
Marahil kayo po ay tama, ngunit ang natutunan ko kasi ay ang Filipino ay ginagamit bilang pantukoy sa ating wika at Pilipino naman bilang pantukoy sa mga mamamayan. Gayoon pa man, labag pa rin sa aking kalooban ang paggamit ang alin man sa dalawang salita, ngunit wala naman akong magagawa dahil ayon ang pagkakakilala sa atin ng mundo at natin na rin.