jump to navigation

University at College, Tinagalog/Finilipino Setyembre 25, 2008

Posted by ronipe in Ang Wika Ko.
Tags: , , , , , ,
2 comments

Ako, sa kasalukuyan, ay nagsasalin ng aking dahong pangwakas (final paper?) na kailangang iharap bukas sa aming guro. Isa sa mga nakasalumuha kong mga salita ay ang college. Ang university ay matagal ko nang kilala bilang “pamantasan,” ngunit ang college ay matagal ko nang pinagninilayan. Hindi ko nais na gamitin ang salitang “kolehiyo” dahil pangit ito sa pandinig, kaya’t binuklat ko ang aking talahulugang Inggles-Tagalog at hinanap ang salitang college, sa pag-asang may matinong katumbas, o salin na ito sa aking wika.

Laking gulat ko ng natagpuan ko ang katumbas na “dalubhasaan” at sa sa loob ng mga panaklong ay may nasulat na new term. Natutuwa lang ako ay mayroon na tayong matinong salin para sa salitang college.

 

university – pamantasan

college – dalubhasaan

Mga Pagpapangalang Pang-sipnayan (matematika) sa Filipino Setyembre 14, 2008

Posted by ronipe in Ang Wika Ko.
Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,
2 comments

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga pagpapangalang (terminolohiya) pang-sipnayan (pang-matematika) sa ating wikang pambansa.

  • math – sipnayan
  • mathematician – sipnayanon
  • arithmetic – palatuusan
  • radical – pangugat
  • exponential function – pangunahing kabisa
  • square root – pariugat
  • cube root – taluugat
  • square – parirami
  • cube – talurami
  • differential – tingirin
  • involution – balisultag
  • tangent – dikit
  • plane figure – lapyang laraw
  • probability – kalagmitan
  • permutation – pamalitan
  • factorial – bunin
  • infinity – awanggan
  • imaginary number – guning bilang
Ayan. :D

Mga Liwasang WiFi sa UP Diliman Setyembre 12, 2008

Posted by ronipe in teknolohiya.
Tags: , , , , , , , , , , ,
4 comments

Mga Liwasang WiFi sa UP Diliman

 

Para sa mga mag-aaral ng UP Diliman na may mga tugbit (cellphone… hehe) at laptop na kayang umugnay sa WiFi, narito ang ilang mga liwasang WiFi na matatagpuan sa ating mahal na paaralan. Kung may mga mali o nais kayong idagdag, pakisabi lamang. :P

 

  • UP Main Library (Punong Aklatan ng UP)

  • UP School of Economics

  • Aklatan ng Kolehiyo ng Inhinyero

    UP College of Mass Communications (Kolehiyo ng Malawakang Pakikipag-ugnayan)

    CHK Library (Aklatan ng CHK [Dalubhasaan ng Kinetiks Pantao {hala? hehe}])

 

Hmm… Sa kasalukuyan ay hindi ko maalala ang iba. Haha. Pakisabi na lang ang mga maaaring idagdag sa talaang ito. :P

Pandaigdigang Baybayin ng Pagpapatunog at Talahulugang Inggles-Tagalog Setyembre 11, 2008

Posted by ronipe in Ang Wika Ko, PBP.
Tags: , , , ,
add a comment

Kahapon, habang nagsasaliksik ng mga bagay-bagay, ay may natuklasang akong bagong pook sa internet. Ito ay ang Gabby’s Dictionary, isang talahugan ng dalawang wika, Inggles patungo sa Filipino (ahem). Noong ako pa may naghahanap ng ganitong uri ng talahulugan sa mga pamilihan ng aklat ay nakita ko na ang talahulugang ito, ngunit iba ang binili ‘ko. hehe.

Isa lang ang nais kong unang pagandahin sa talahulugang ito — ang pagkakaroon ng pagkakakilala sa at paggamit ng IPA, o angInternational Phonetic Alphabet (Pandaigdigang Baybaying Pantunog sa Pagpapatunog – hindi ito ang opisyal na salin nito [hindi ko alam kung meron], ngunit ito na ang pinakamaayos na aking magawa sa ngayon).

Sa pag-aaral at paggamit ng isang wika ay hindi sapat na gamitin mong tulong sa pagbasa ang pagbaybay ng mga banyagang salita sa katutubong wika ng isang lupon ng mga mananalita dahil may mga tunog na walang katumbas sa isang wika.

Ito ang kadahilanan kung bakit, sa aking palagay, ay higit na mainan na gamitin ang PBP, o Pandaigdigang Baybaying Pantunog, dahil ang bawat titik dito ay sumasagisag sa isang tunog. Oo, bahagyang nakakalula na alamin ang mga ito sa simula, ngunit hindi naman kinakailangang maglaan ka ng panahon sa pagsasaulo ng mga ito. Sa paggamit mo ng talahulugan ay magkakaroon ng likas na pamamaraan ng pagkaukit ng mga titik na ito sa iyong isipan. Ang pagkilala sa ilang mga banyagang salita at pagtingin sa baybay pantunog nito kahit na alam mo na kung paano ito basahin ay makakatulong sa dahan-dahang pagkatuto ng PBP. Ang pagkatuto ng PBP ay magbibigay daan sa pagkakaroon ng higit na magandang pagbigkas ng mga salita.

Ang pook nga pala kung nasaan ang talahulugang ito ay matatagpuan sa www.gabbydictionary.com

UP Pep Squad, Panalo sa Patimpalak ng Cheerdance ng UAAP Setyembre 8, 2008

Posted by ronipe in Pamantasang Hirang.
Tags: , ,
6 comments

Whoohoo! Hindi naman ako gaanong nagulat, ngunit lubos ang aking pagkagalak nang ibinigkas na ang UP ang nagwagi sa patimpalak ng cheerdance sa UAAP. UP nga naman. Hehe… Maligayang pagbati rin pala sa FEU, magaling, mahusay! Sa uste na rin pala. Go Uste, Go Uste… hehe :P

Ang Pinakamamahal Kong Pook sa Internet Setyembre 6, 2008

Posted by ronipe in teknolohiya.
Tags: , , , ,
11 comments

Ano nga ba ang pinakasilbi ng internet sa mga mag-aaral na gaya ko? Ito ba ay paglalaro? Hindi. Dahil hindi naman ako mahilig maglaro. Hehe. Ang pinakasilbi nito sa akin, at marahil sa karamihan na rin ng mga mag-aaral diyan, ay ang pagiging isang halimaw na napupuno ng kaalaman na malaking tulong sa pagsasaliksik at sa pagtuklas ng bagong kaalaman.

Kaya naman ang pinakamamahal kong pook sa sapot ay ang Google. Lahat na yata ng kaalaman ay matatagpuan mo rin sa pamamagitan ng pagtuturo niya sa atin ng daan na dapat tahakin upang matagpuan ang ating hinahanap.

Ikaw, ano ang pinakamamahal mong pook sa internet?