Online Shopping Enero 10, 2009
Posted by ronipe in Ang Wika Ko.Tags: apple store, business language, english, filipino, inggles, ingles, ipod shuffle, online, philippines, pilipinas, tagalog
trackback
Kaninang umaga, nalaman ko na may Apple Online Store na pala para sa
Pilipinas. Dali-dali kong dinalaw na puno ng excitement, kaso nang matunton ko iyon ay nadismaya ako. Parang sipi (kopya) lamang ito ng sa Amerika at pinalitan ang halaga ng mga bagay.
Hindi ko alam kung ano ang inaasahan ko. Kapag sinisilip ko kasi ang Apple Online Store ng Fransya, naka-franses ito; ang sa Espanya naman ay naka-espanyol; at ang sa Hapon ay naka-Hapon. Nang matunton ko ang sa Pilipinas, naka-inggles. Tapos bigla kong naalala, business language nga pala natin ang inggles, at kapag ang Finilipino ito ay baka gawing katawa-tawa ng mga tao.
Nasanay na marahil ako na ang mga bansang gaya ng Fransya at Espanya, na ang mga wika ay pinag-aaralan ko, na kapag may ginawa para sa kanila ay ang sarili nilang wika ang ginagamit. Parang nawari ko na ang pathetic talaga nating mga Pilipino, hindi man lang kayang gamitin at ipagtanggol ang sarili nating wika.
Napakarami pa nating dapat gawin para mai-ahon ang mga sarili natin mula sa putikang kung saan bukas-loob nating nilulunod ang ating mga sarili.
Mga Puna»
No comments yet — be the first.