jump to navigation

Coke Bolipata Agosto 23, 2008

Posted by ronipe in Biyolin, Musika.
Tags: , , , , ,
8 comments

Isa sa mga ibig kong musical instrument ay ang biyolin. Gaya ng halos lahat ng musical instruments, kaya nitong maging malambing at kaya rin maging nakakatakot, at kung anu-ano pang ibang uri ng pakiramdam ang kayang ibigay nito sa nakikinig. Kadalasan, kapag nais kong magpahinga ay nakikinig ako sa mga malalambing na himig ng violin. At ilan sa mga pinakamasarap pakinggan ay ang mga himig ni G. Coke Bolipata, isang napakahusay na manunugtog ng violin na Pilipino.

Una ko siyang napanood sa isang concert ng MSO (Manila Symphony Orchestra), at siya ay ang soloista sa biyolin. Tunay nga namang siya ay mahusay. Pagkatapos ay naghanap ako sa internet ng mga maaaring pakinggang piyesa niya. Hindi naman ako binigo ng imeem (imeem.com). Hanapin niyo lamang dun ang “coke bolipata” ay may lalabas na ilang mga pagtatanghal niya ng mga magagandang lumang awiting Pilipino.

Kung minsan ay wala kayong ginagawa at nais niyo lamang makinig ng mahusay at nakakapahingang himig, subukan niyo siyang pakinggan.