Pandaigdigang Taon ng Astronomiya (Pakitâ) Enero 18, 2009
Posted by ronipe in Uncategorized.Tags: aghamtala, international year of astronomy, pandaigdigang taon ng astronomiya, up astronomical society, up astrosoc
add a comment
Ngayong taong 2009 ay ang taong itinakda ng UNESCO bilang Pandaigdigang Taon ng Astromiya. Nilalayon nitong “dalhin ang kalawakan” dito sa lupa. Nais rin nilang mapa-igting ang papel na ginagampanan ng agham-tala/astronomiya at iba pang mga agham sa mga papaunlad na bansa gaya ng Pilipinas. Nais rin nilang makahikayat ng marami pang mga bata na mahilig sa iba’t ibang larangan ng agham.
Samahan niyo ko, ang UP Astronomical Society, at ang buong Pilipinas sa pakikilahok sa pandaigdigang pagdiriwan na ito!
Pandaigdigang Taon ng Astronomiya Disyembre 31, 2008
Posted by ronipe in Uncategorized.Tags: aghamtala, international year of astronomy, lipunan ng aghamtala, pandaigdigang taon ng astronomiya, up astronomical society
add a comment
Anong meron sa darating na 2009?
Ang darating na taon ay ang ika-400 na taon mula nang itinutok niya sa kalangitan ang kaniyang teleskopiyo. At biglang pagbibigay pugay rito, itinakda ang taong ito bilang Pandaigdigang Taon ng Astronomiya.
Ang Pandaigdigang Taon ng Astronomiya 2009 ay isang pandaigdigang pagsisikap na pinasimunuan ng International Astronomical Union (Pandaigdigang Samahan ng Aghamtalâ) at ng UNESCO upang tulungan ang bawat mamamayan ng buong daigdig na muling tuklasin ang kanilang kinalalagyan sa Kalawakan sa pamamagitan ng kalangitan ng araw at ng gabi, na magbibigay ng personal na katuturan ng pagkamanghâ at pagkatuklas sa bawat isa sa atin.
Mga Magkakatumbas na Salawikaing Filipino at Franses Oktubre 4, 2008
Posted by ronipe in Ang Wika Ko, Uncategorized.Tags: filipino, français, philippin, philippins, pilipino, proverbe, proverbes, salawaikain, tagalog
1 comment so far
Ang mga sumusunod ay ilang mga salawikaing Filipino/Tagalog na may katumbas sa wikang Franses. Mahahati sa dalawang hanay ang mga salawikain — sa kaliwa ay matatagpuan ang mga salawikaing Filipino/Tagalog at sa kanan naman ang katumbas nito sa wikang Franses. Sa ilalim ng bawat salawikaing Franses ay may tuwid na salin na nakasulat sa mga titik na pailing. Kapag ang isang salawikaing Franses ay walang sulat na pailing sa ibaba nito, ibig sabihin ay kung ano yung katumbas nito sa Filipino ay siya na ring tuwid na salin nito.
Proverbes philippins et français qui sont équivalents
Les suivants sont quelques proverbes Philippins/Tagalogs qui ont des équivalents français. La liste est divisée en deux; à gauche sont les proverbes philippins est à droite sont ceux du français. Les proverbes philippins ont une traduction littérale après eux, en italique. S’il un n’en a pas, ça veut dire que c’est le même en français.
|
Filipino |
Franses
|
|
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan. |
Qui ne regarde d’où il vient n’arrivera jamais à destination.
|
|
Kung anong puno ay siya rin bunga. L’arbre est même le fruit. |
Tel père, tel fils. Siyang ama, siyang anak.
|
|
Kung nasaan ang asukal, naroon ang langgam. Où le sucre se trouve, la fourmi est là. |
Il n’y a pas de fumée sans feu. Walang usok kung walang apoy.
|
|
Mata sa mata, ngipin sa ngipin. |
Oeil pour oeil, dent pour dent.
|
|
Hindi marunong magsinungaling ang mga bata. Les enfants ne savent pas mentir. |
La vérité sort de la bouche des enfants. Ang katotohanan ay lumalabas sa bibig ng mga bata.
|
|
Ang pili ng pili, natatapat sa bungi. (Je peux pas le traduire pour le moment.)
|
Il vaut mieux tenir que courir. Higit na mainam ang hawakan kaysa sa pagtakbo (sa paghahanap). |
|
Hindi lahat ng kumikinang ay ginto. |
Tout ce qui brille n’est pas or.
|
|
May tainga ang lupa, may pakpak ang balita. La terre a des oreilles, la nouvelle ont des ailes. |
Les murs ont des oreilles. Ang mga dingding ay may mga tainga.
|
|
Pagkahaba-haba man daw ng prosisyon, sa simbahan din ang tuloy. Tel longueur de la procession, c’est à l’église où elle aboutit. |
Tous les chemins mènent à Rome. Lahat ng mga daan ay patungo sa Roma.
|
|
Ang ganda ay pagkain ng mata at kalungkutan ng kaluluwa. La beauté sur les yeux, la tristesse sur le coeur. |
Miel sur la bouche, fiel sur le coeur. Pulo sa bibig, lason sa puso.
|
|
Ang maagang naghahasik, maaga ring nagliligpit. (Je peux pas le traduire en ce moment.)
|
Rira bien qui rira le dernier. Humalakhak ng mas mabuti ang hulik hahalakhak.
|
|
Ang natutulog na hipon ay nadadala ng agos. Crevette grise qui dort suit l’écoulement. |
Pierre qui roule n’amasse pas mousse. Ang batong gumugulong ay hindi nakakaipon ng lumot.
|
|
Iyong turan ang kasama mo at sasabihin ko kung ikaw ay sino.
|
Dis-moi qui tu fréquentes, je te dirais qui tu es.
|
|
Bago mo sabihin, makapito mong isipin. Avant de le dire, pense de cela sept fois. |
Il faut tourner la langue sept fois dans sa bouche avant de parler. Kailangang paikut-ikot muna ang dila ng pitong pagkakataon sa bibig bago magsalita.
|
|
Alin mang baitang ng tagumpay ay may kasawiang palad na natamo sa pakikipaglaban sa buhay. Dans n’importe quel niveau de succès, il y avait des malchances expérimentés dans la lutte dans la vie. |
Qui ne risque rien n’a rien. Ang siyang hindi magbakasakali ay walang pag-aari.
|
|
Ang handog ng isang nasa kamay na, higit sa ipinangakong dalawa. Un cadeau en main vaut mieux que deux qui sont promis. |
Un « tiens » vaut mieux que deux « tu l’auras ». Ang isang « hawak na » ay higit na mainang kaysa dalawang « magkakaroon ka ».
|
|
Paliguan man ang kambing, ‘di mawawala anghit na angkin. Même qu’on baigne la chèvre, il ne perdrait son odeur nauséabonde.
|
Chasser le naturel, il revient au galop. Itaboy mo kung ano ang likas at babalikan ka nito ng tumatakbo.
|
|
Kung wala sa titig, wala pa rin sa isip. On le voit pas, on lui pense pas. |
Loin des yeux, loin du coeur. Malayo sa mga mata, malayo sa puso.
|